-- Advertisements --
Patuloy ang apela ng Commission on Elections sa publiko na samantalahin ang papaparehistro ngayong buwan.
Sinabi ni Comelec spokesperson Rex Laudiangco na dapat iwasan na ng publiko ang kaugalian na sa huling araw na sila magkukumahog para magparehistro.
Sa isang linggo na pagsisimula ng voters registration ay nananatiling mababa pa ang nagparehistro.
Kahit na naglunsad na sila ng pilot testing sa mga malls sa National Capital Region at mga piling probinsiya ay mangilan-ilan pa lamang ang nagpaparehistro.
Magugunitang magtatapos ang voters registration para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ng hanggang Enero 31, 2023.