-- Advertisements --
vote buying

Mahigpit na babala ng Commission on Elections (Comelec) na hahabulin nila ang mga sangkot sa vote buying at vote selling sa gitna ng patuloy na pagpapaigting nila ng mga regulasyon sa pagboto, lalo na sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Sa paglulunsad ng Committee on Kontra Bigay (CKB) noong Biyernes, sinabi ni Comelec Commissioner Ernesto Maceda Jr. na ilalahad nila ang mga partikular na aktibidad at hakbang na kabilang sa vote buying at vote selling.

Kabilang dito ang pagkakaroon o paghahatid ng anumang mga coins, notes, pera, card, pay envelope, bag, groceries, token o anumang bagay na may halaga, kasama ang mga sample na balota o iba pang campaign materials na pabor o laban sa isang kandidato; pagkakaroon ng mahahabang linya o pila ng mga rehistradong botante/tao para sa pamamahagi ng pera, diskwento, insurance o health card, grocery item at iba pang mga goods, na nilalayon na gamitin upang hikayatin ang mga tao na bumoto o laban sa sinumang kandidato; paggamit ng sistemang “hakot” o ang pagtitipon ng dalawa o higit pang rehistradong botante sa isang partikular na lugar bago ang araw ng halalan at sa araw ng halalan.

Magpapatupad din ang Comelec ng money ban at ayuda ban.

Ang CKB ay nagtatatag din ng KontraBigay Complaint Center, na tatanggap ng mga reklamo at ulat ng pagbili ng boto at pagbebenta ng boto mula sa sinumang mamamayan na personal na nakasaksi ng pag-aalok.

Binigyang-diin ni Maceda, na namumuno sa CKB, na ang pagbili ng boto at pagbebenta ng boto ay isang insulto sa kahalagahan ng democratic exercise.