Personal na binisita ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia ang municipal hall ng Bamban, Tarlac.
Kasama ni Garcia ang ilang technical experts ng Comelec para suriin ang voting records ng suspendidong si Mayor Alice Guo.
Personal silang nagsagawa ng inspection sa voters registration ni Guo maging ang kaniyang certificate of candidacy (COC) noong Mayo 2022 elections ganun din ang computerized voter’s list.
Isusumite ngayong araw ng COMELEC Election Records and Statistics Department na siyang nagsagawa ng pagsusuri ang mga findings nila sa Law Department ng COMELEC para malaman kung nag-match ang fingerprints ni Guo sa nagpakilalang si Guo Hua Ping.
Giit ni Garcia na isang kasong kriminal kapag napatunayang nagsinungaling si Guo sa kaniyang COC.
Magugunitang nitong Lunes ng maghain ng petisyon ang Office of the Solicitor General (SOG) ng petition for quo warranto sa Manila Regional Trial Court para tuluyang patalsikin si Guo sa posisyon nito bilang alkalde ng Bamban.