-- Advertisements --

Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa lahat ng mga kandidato na tumakbo para sa national at local elections ngayong taon kabilang na ang mga nag-withdraw ng kanilang kandidatturana magsumite ng kani-kanilang Statement of Contribution and Expenditures (SOCEs).

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na sa pamamagitan ng pagsusumite ng SOCE ay malalaman ng sambayanan at ng poll body kung saan galing ang kanilang pondong ginamit at paano ito ginastos sa mismong kahabaan ng kampaniya at kung nagbayad sila ng tamang buwis sa mismong paggastos sa kampaniya.

Sa ilalim ng Section 14 ng Republic Act 7166, ang bawat kandidato at treasurer ng political party ay dapat na maghain sa opisina ng Comelec sa loob ng 30 araw matapos ang eleksiyon ng full, true at itemized statement ng lahat ng contributions at expenditures may kaugnayan sa halalan.

Sa bisa din ng naturang batas, pinagbabawalan ang nahalal na kandidato mula sa pag-upo sa posisyon sa gobyerno hanggang hindi pa nakakapagsumite ng kanilang Statement of Contribution and Expenditures gayundin sa mga political parties na nagnominate sa nanalong kandidato.