Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kasalukuyang lokal na opisyal na muling tatakbo sa halalan ngayong taon.
Sinabi ni COMELEC chairman George Garcia, na para maiwasan ang mga lokal na kandidato na sila ay ireklamo dahil sa paggamit ng pondo ng kanilang bayan ay dapat tanggalin nila ang mga larawan sa mga posters na proyekto ng kanilang pinaglilingkurang bayan.
Dagdag pa nito na hindi maiwasan na lagyan ng mga pangalan ang mga posters subalit hindi maganda ang maglagay pa ng larawan.
Paliwanag pa nito na maaring sa tingin ng mga incumbent official na ito ay isang uri ng anunsiyo subalit sa mata ng kanilang katunggali ay isang uri ng pamumulitika na ginagamit ang pondo ng kanilang bayan.
Inamin ni Garcia na habang papalit na ang pagsimula ng pangangampanya ng mga local na kandidato ay dumarami ang mga bilang ng mga lumalabag.