-- Advertisements --

Pinabulaanan ng Commission on Elections ang mga alegasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na ang P12 bilyong karagdagang budget umano ng ahensya na ibinigay sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act ay para lamang pondohan ang Charter change ng Kamara.

Sa isang pahayag, sinabi ni Comelec chairman George Garcia na walang katotohanan ang pahayag ni Lagman na ang P12 bilyong idinagdag ng mga mambabatas sa budget ng poll body sa bicameral discussions sa 2024 national budget ay inilaan upang matiyak na anumang inisyatibo para baguhin ang 1987 Constitution ay magkaroon ng kinakailangang badyet.

Dagdag pa ni Garcia, nung inilaan ang naturang budget sa kanilang ahensya ay pang isyu sa people’s initiative.

Aniya, ibinigay sa ito sa kanila dahil hinihiling ng ahensya sa Karama na ibalik ang P17.4 billion na kinuha nito sa kanilang pondo.

Sinabi pa ng poll chief na ang P12 bilyon ay may line item para sa recall, initiative, referendum, at iba pang electoral activities.

Gayunman, inamin din niya na ang nasabing alokasyon ay maaaring gamitin para sa panukalang Peoples Initiatives na amyendahan ang Konstitusyon.