Pinaburan ng Commission on Elections ang kahilingan ng kampo ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na bigyan sila ng sapat na panahon para makapaghain ng counter-affidavit bilang tugon sa inihaing subpoena laban sa dating alkalde.
Ayon kay Commission on Elections chair George Erwin Garcia,ito ay isang kasong kriminal kayat ayaw nilang maging mahigpit sa respondents.
Nilinaw rin nito na sakaling humingi muli ng extension ang kampo ni Guon ay malabo na itong pagbigyan ng poll body.
Kung maaalala, naghain ng request ang legal counsel ni Guo na si Atty. Stephen David noong nakalipas na linggo.
Dito ay hiniling ng kampo ni Guo ang sampung araw na extension para makapag hain sila ng counter-affidavit.
Una rito ay inihain ng comelec ang subpoena laban kay Alice Guo noong August 13 na may kinalaman sa material misrepresentation na inihain laban sa kanya.