-- Advertisements --

Naniniwala si Commission on Election (COMELEC) chairman George Garcia na hindi basta madaling mapasok ng mga hackers ang precint finder para sa 2025 local and national elections.

Inaasahan na nila na mayroong magtatangka na pasukin ng computer hacker ang precint finder.

Ibinunyag din nito na makailang ulit na ring tinangkang pasukin ng hackers ang kanilang website.

Dahil dito ay mayroon silang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at ilang ahensiya para hindi mapasok ng hacking ang kanilang system na gagamitin sa halalan.