-- Advertisements --
Pinagtibay ngayon ng Commission on Election ang kanilang desisyon na maaring tumakbo sa pagka-senador ang nakakulong na si Apollo Quiboloy.
Sa resolution ng Comelec en banc, ay kanilang ibinasura ang motion na inihain ni senatorial aspirant Sonny Matula.
Iginiit ng Comelec na kulang ang ebidensya na iprenisenta ni Matula para patunayan na ginagawang kalokuhan lamang ni Quiboloy ang halalan.
Magugunitang naghain ng motion si Matula at ipinapadeklara bilang “nuissance candidate” si Quiboloy.