-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtanggap nila ng forms ng local absentee voting.

Nakasaad sa Comelec Resolution 11120 na pinalawig ang deadlines ng pagtanggap ng hanggang Marso 17.

Kaya aniya pinalawig ay dahil sa maraming mga humiling mula sa iba’t-ibang government units, offices, agencies at departments.

Ikinonsidera din nila ang obserbasyon ng Holy Week mula Abril 17 hanggang Abril 20.

Maging ang beripikasyon ng mga local absentee voting ay pinalawig mula Abril 8 hanggang 11.

Magaganap ang Local Absentee Voting mula Abril 28,29 at 30 sa oras ng alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.