-- Advertisements --

Pinapasagot na ng Commission on Elections (COMELEC) ang ilang mga lokal na kandidato dahil sa alegasyon ng pagbili ng mga boto.

Dalawa sa mga dito ay tumatakbo sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila na sina Isko Moreno at Samuel Versoza.

Kabilang din na pinapasagot sina Caloocan mayoral canddiate Dale Malapitan at Malabon Mayor Jeannie Sandoval.

Nilinaw ni Malapitan na ang pamamahagi ng P3,225 sa mga botante ng Caloocan ay bahagi ng kanilang programa at ito ay pinayagan ng COMELEC noon pang Pebrero.

Nasa listahan na pinapasagot rin ng COMELEC ay sina : Maguindanao del Sur Rep. Esmael Mangudadatu, Alaminos, Laguna Vice Mayor Victor Mitra, Alaminos Mayor Eric Reyes, Alaminos Councilor Joey Briz, Isabela Rep. Joseph Tan, Bulacan Sangguniang Panlalawigan member Anna Kathrina Hernandez Santiago, Isabela Mayor Alyssa Sheena Tan, Pandan , Catuandes Mayor Raul Tabirara, Cavite Rep. Adrian Jay Advincula , Eastern Samar Councilor Rex Docena , Jerry Jose na tumatakbong konsehal ng Villaverde, Nueva Vizcaya; Masbate Gov. Richard Kho; Baybay City congressional candidate Levito Baligod; Baybay City mayoral candidate Marilou Baligod; Ana Kathrina Hernandez, na tumatakbong konsehal ng Bulacan; Montevista, Davao de Oro Mayor Cyrex Basalo, Aurora Gov. Reynante Tolentino, Santiago City Sangguniang Panglunsod member Sherman Miguel, Eastern Samar Rep. Maria Fe Abunda,Maria, Aurora Mayor Ariel Bitong, Sannguninag Bayan member Elizabeth Farin, Palawan Rep. Christopher Sheen Gonzales, Maguindanao del Sur Datu Ali Midtimbang at Sangguninang Panglunsod member Anton Phoenix Abaya.

Ang mga ito ay pinapasumite ng written explanation kung bakit hindi sila dapat idis-qualify dahil sa alegasyon umano ng pamimili ng boto.

Natitiyak naman ng COMELEC na kanilang agad na binibigyan ng aksyon ang mga reklamong naipaparating sa kanilang opisina.