CEBU CITY – Gumawa na ng hakbang Commission on Elections (Comelec) en banc upang ipawalang-bisa ang pagkapanalo ni Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves noong Mayo 9.
Ito ay matapos pagtibayin ng poll body ang resolusyon ng ikalawang dibisyon nito na nagdeklara kay Grego Degamo bilang isang nuisance candidate sa ginanap na 2022 gubernatorial race sa lalawigan.
Sa botohan na 3-2, bomoto ang Comelec en banc na tanggihan ang motion for reconsideration ni respondent Grego, matapos pagbigyan ng Second Division noong Disyembre 16, 2021 ang petisyon ni dating Gobernador Roel Degamo na ideklarang nuisance candidate si Grego at kanselahin ang kanyang certificate of candidacy.
Ginamit umano ni Grego ang pangalang “Ruel” sa kanyang gubernatorial bid.
Sa kawalan ng temporary restraining order o injunctive writ na inilabas ng Korte Suprema, naglabas ang Comelec ng Certificate of Finality and Entry of Judgment noong Martes na nag-uutos sa Special Provincial Board of Canvassers (SPBOC) ng Negros Oriental na ipawalang-bisa ang proklamasyon ni Teves at i-credit ang mga boto na nakuha ni Grego pabor kay Degamo.
Ipinaliwanag ng Comelec en banc na bigo si Grego na magbigay ng patunay na siya ay lehitimong kilala bilang “Ruel Degamo” nang piliin niyang gamitin ang kanyang sinasabing apelyido na “Degamo” at “biglang napili” na gamitin ang “Ruel” bilang kanyang palayaw na ay tiyak na makalilito sa kanya kasama ang Petitioner na ang pangalan ay “Roel Ragay Degamo.”
Inataasan na ang SPBOC na magpulong sa Lunes, Oktubre 3, sa Comelec session hall sa Maynila upang amyendahan o itama ang certificate of canvass of votes at proclamation para sa provincial governor, amyendahan ang statement of votes ng presinto at iproklama ang kandidatong nakakuha nang pinakamataas na bilang ng mga boto batay sa binagong pahayag ng mga boto ng presinto bilang duly elected governor ng Negros Oriental.
Samantala, sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves, sinabi nito na hindi makatarungan ang inilabas na Certificate of Finality and Entry of Judgment ng Comelec na nag-utos sa Special Provincial Board of Canvassers (SPBOC) sa Negros Oriental na ipawalang-bisa ang kanyang proklamasyon at kilalanin ang mga boto na nakuha ni Grego pabor kay Degamo.
Sabi ni Teves, na hindi ito dumaan sa due process at walang protesta na dumating sa kanyang opisina kaya naman hindi makatwiran na agad siyang sentensiyahan na pababain sa kanyang tungkulin.
Iginiit ni Teves, na kung gusto siyang tanggalin ng Comelec, mas maganda kung may kaso laban sa kanya, para maprotektahan niya ang sarili, bagamat lahat ng tao sa bansa ay may karapatan sa tinatawag nilang “due process”.