-- Advertisements --
Arprubado na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga public utility vehicle (PUV) operators at drivers.
Ang nasabing pagpayag para ma-exempt sa election spending ban ay napapaloob sa COMELEC Resolution 10944 na pirmado ni COMELEC Chairman George Garcia.
Nakasaad sa nasabing resolution na ang pamamahagi ng fuel subsidy ay hindi makakaapekto sa pagsasagawa ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Magugunitang ang fuel subsidy program ay pinangunahan ng Land Tranportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bilang tulong sa mga PUV operator dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.