-- Advertisements --
Pinawi ni Commission on Election (COMELEC) chairman George Garcia ang pangamba ng overseas Filipino Workers na paso ang pasaporte.
Sinabi ni Garica, na maraming mga OFW ang hindi nakakapagrehistro ng OFW voting dahil sa takot silang masita na paso na ang kanilang pasaporte.
Pagtitiyak naman nito na ang mga undocumented o paso na ang pasaporte ay hindi masisita ng COMELEC kung sila ay magpaparehistro dahil hindi nila sakop ang nasabing usapin.
Patuloy ang ginagawa nilang panghihikayat sa sa mga OFW na samantalahin ang OFW voting para sa 2025 national and local elecitons.