BACOLOD CITY—Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng mobile app voting para sa 2022 national at local electionS.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Comelec commissioner Rowena Guanzon, kinumpirma nitong tinatalakay na ang nasabing proposal sa Comelec en banc.
Kung sakaling makalusot aniya ito, maaari nang bumoto sa pamamagitan ng cellphone.
Aniya, malaki ang maitutulong ng mobile app voting lalong-lalo na sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
Sa ngayon, plano ng Comelec na i-rehistro ang kanilang mga empleyado at magsagawa ng test run sa buwan ng Marso o Abril ngayong taon upang malaman kung epektibo ito o hindi.
Siniguro rin ni Guanzon na walang dayaan o flying voters na magaganap dahil sisiguraduhin nila na mahigpit ang identification at image verification sa mobile app.
Nabatid na magreretiro ang Negrense commissioner sa Pebrero 2022.