Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na napag-usapan ng COMELEC En Banc ang naging ruling ng Korte Suprema hinggil sa dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon. Kinilala ito ng komisyon dahil nilinaw nito ang mga “gray areas” sa party-list guidelines, partikular sa substitution system.
Ayon pa kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia na planong gumawa ng komisyon ng lupon para magbigay payo sa mga pagbabago na gagawin sa party-list guidelines. Titiyakin pa rin nila na alinsunod pa rin ang mga pagbabago sa desisyon ng Korte Suprema.
Kaugnay nito, binigyang-linaw niya rin na hindi maaapektuhan ang guidelines para sa Eleksyon 2025 dahil ang mga nominees at party-list ay nakapag-file na ng Certificates of Nomination ang Acceptance (CONA).
Samantala, tiniyak din ni COMELEC Chairman Garcia na kung makakapagpasa rin agad ng mga bagong nominees ang Komunidad ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities (P3PWD), agad din itong ipoproklama ng komisyon para makahabol pa sa termino.