-- Advertisements --

Plano ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na gawing streamline ang application para sa gun ban exemptions.

Ipinahayag ni Commissioner George Garcia na muling pag-aaralan ng Komisyon ang kasalukuyang polisya sa gun ban exemptioon at security application guidelines upang mas mapadali pa ang proseso nito.

Kabilang sa mga makikinabang dito ay ang mga miyembro ng judiciary, prosecutorial service, mga abogado mula sa Public Attorney’s Office, government personnel na mayroong mga sensitibong tungkulin, at fielf personnel ng Comelec.

Sasaklawin din nito ang mga negosyante, security agencies, at mga indibidwal na may credible threat assessments.

Bukod dito ay kinokonsidera rin ng Comelec ang pag-adopt ng decentralization upang pabilisin pa ang nasabing proseso dahil na rin sa gumagaan na sitwasyon ngayon ng COVID-19 sa bansa.

Matatandaan na nagpatupad ang komisyon ng 150-day gun ban na iiral mula Enero 9 hanggang Hunyo 8 bilang paghahanda at pag-iingat na rin para sa darating na national at local elections sa Mayo 9.Top