-- Advertisements --
BSKE

Isa sa posibleng ideklara bilang election hotspot sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections ngayong taon ang Negros Oriental dahil sa ilang serye ng karaghasan may kinalaman sa pulitika kabilang ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia, natukoy na ang mga lugar sa Bangsamoro gayundin ang Negros Oriental bilang posibleng hotspot area kabilang ang iba pang mga lugar sa Northern Luzon.

Kaugnay nito, ayon kay Comelec chairman Garcia, makikipag-usap ito sa Philippine National Police para matukoy ang election hotspot na dapat mailagay sa ilalim ng Comelec control o ikinokonsiderang areas of serious concern.

Ang election hotspots o areas of concern ay ang local areas na mayroong kasaysayan ng karahasan may kinalaman sa halalan, posibleng pag-hire ng partisan na armadong grupo at nangyayaring politically motivated election-related incidents.