-- Advertisements --
Tiniyak ng COMELEC na mananagot sa batas ang tumatakbong pagka-board member sa unang distrito ng Camiling, Tarlac na si Atty. Marty Torralba.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, mahaharap sa criminal charges si Torralba matapos sapakin nito ang election officer na si Teddy Mariano.
Para kay Jimenez, person in authority si Mariano dahil ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho bilang election officer nang sapakin ito ni Torralba.
Ikinagalit kasi ni Torralba ang ginawang pagbaklas ng Comelec sa kanyang mga campaign posters.
Sinabi ni Jimenez na kabilang din sa mga maaring panggalingan ng reklamo laban kay Torralba ang mga posts nito sa kanyang Facebook account.