LA UNION – Wala ni isa mang bagong botante ang nagtungo sa Comelec offices sa lalawigan para magparehistro para sa nakatakdang barangay at SK elections sa May 11, 2020.
Kahapon, Agosto 1, ang muling pagsisimula ng patuloy na voter registration sa mga bagong botante na isinasagawa ng Commission on Election (Comelec).
Ngunit base sa impormasyon ng Bombo Radyo La Union sa mga tinawagan na Comelec Officers, wala pa silang naitatalang bagong botante.
Posible umanong makaapekto sa pagpaparehistro ng komisyon ang naging pahayag kamakailan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-apat na SONA, na nanawagan sa Kongreso na magpasa ng batas para sa pagpapaliban ng Barangay Election sa October 2022.
Una nang sinabi ni Atty. Noli Pipo, Comelec Regional Director, na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagpaparehistro at target nilang magsagawa ng outside registration, partikular sa mga paaralan at mga barangay, para himukin na magparehistro ang mga bagong botante.
Ang registration period ay magtatapos sa Sept. 30 ngayong taon.