-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Patuloy na umaasa ang COMELEC region 2 na maabot nila ang target na voters registration bago ang September 30, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerby Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC region 2, sinabi niya na noong nakaraang election nasa 2 million ang registered voters sa region 2 at sa kasalukuyan ay naka 28% na ang mga bagong botante sa Cagayan Valley.

Dahil sa pandemya na nagbunga sa pagsasara ng mga opisina at dahil na rin sa takot ng publiko ay tila naging malabo na maabot ng COMELEC ang target na 4 million voters registration gayunman nasa 35% na ang nakapagparehistro.

Mula noong nakaraang linggo ay bukas na ang tanggapan ng COMELEC mula araw ng Martes hanggang Sabado alas-ostso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

idinagdag ang araw ng Sabado para sa mga botanteng nag-tatrabaho sa week days upang makapag-rehistro.

Aniya, inilaan ang araw ng Lunes bilang disinfection day sa mga kagamitan sa bawat tanggapan ng COMELEC.

Samantala, puntirya ng COMELEC na maipatupad ang satellite registration sa buwan ng marso ngayong taon upang mapataas ang voters registration turn out.

Bago ito ilunsad ay makikipag- ugnayan muna ang COMELEC sa mga rural health unit sa bawat bayan bago mabigyan ng go signal ang Satellite registration

Samantala, kabilang sa mga tuluyan ng inalis ng COMELEC sa voter list ang mga botanteng hindi bumoto ng dalawang magkasunod na eleksiyon, mga nadoble ang pagpaparehistro tulad ng mga nag-transfer subalit muling nakunan ng biometrics, at ang mga nasawing botante na naipaalam sa kanilang tanggapan.