CENTRAL MINDANAO- Maari ng makuha ng mga aktibong botante ang kanilang bagong Identification card o ID sa tanggapan ng COMELEC sa Kidapawan City.
Ayon sa COMELEC, madali lamang ang proseso sa pagkuha kailangan lamang na fill out ng form at magbayad ng 15 pesos na laminating fee ng mga botante.
Sinabi ni Williamor Magbanua ang Chief Information Officer ng City-LGU na bahagi ng security featues ng bagong id ang lamination nito at maliban pa rito ay may iba pang mga security features ang bagong ID.
Dagdag ng opisyal na ito ay kakaiba sa bawat botanteng rehistrado sa Comelec at mai-scan lamang gamit ang QR App nila.
Kapag nagpositibo sa scan, tunay at mismong botante na nakapangalan ang siyang nagmamay-ari ng voter’s id.
Ginawa ito upang hindi magamit sa illegal na gawain ang voter’s ID kung sakaling mawala sa may-ari.
Sa ngayon, inaanyayahan ni City Comelec Officer Angelita Failano na samantalahin ng mga botante ang pagkuha ng ID.