-- Advertisements --
received 1100193193501994

Pinaalalahanan ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng mga kandidato na tumakbo ngayong 2019 elections na magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nagbabala ito sa mga kandidato lalo na sa mga nanalo na hindi sila makakaupo sa puwesto kapag hindi sila nagsumite ng SOCE.

Maging ang mga natalo ay kailangan ding magsumite ng SOCE dahil magkakaroon din sila ng problema sa kanilang mga record kapag hindi nila sinunod ang batas.

Mayroong 30 days pagkatapos ng halalan ang mga kandidato para magsumite ng SOCE.

Samantala nagkaroon ng mainit na bangayan kanina sa pagitan ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon at ang counsel ng Append partylist matapos piliting humingi ang grupo ng audit log sa kasagsagan ng isinasagawang canvassing ng certificate of canvass (CoC) mula Vatican.

Ipinaliwanag ni Guanzon na canvassing lang muna ang isasagawa at saka na maghain ng petisyon o reklamo ang mga partido.

Sa ipinatawag namang press conference ni Append partylist counsel Atty. Romel Bagares, iginiit nitong walang mali sa paghingi nila ng log at ang kanyang hakbang ay bahagi pa rin ng canvassing.

Sinabi ni Bagares na nagkaroon ng iregularidad sa halalan dahil hindi tugma ang resulta ng halalan sa field kumpara sa nai-transmit sa transparency server.

Narito ang sagutan ni Comm Guanzon at Atty Bagares

Sa ngayon aabot na sa 54 sa 167 certificates of canvass ang nabilang ng National Board of Canvassers (NBOC) dakong alas-3:50.