Hinimok ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang nagpakalat ng video ng umano’y dayaan ng eleksiyon sa Lanao del Sur na lumutang at maghain ng pormal na reklamo.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangan umanong ma-establish ang authenticity ng video bago nila ito imbestigahan.
Kailangan din sumalang sa en banc ang reklamo para mapagdesisyunan ng mga Comelec commissioners.
Hihilingin din umano nila ang tulong ng Facebook at isasailalim din sa forensic analysis ang naturang video.
Hindi naman daw makakaapekto sa pagproklama sa mga nanalong kandidato ang naturang video na isolated case lamang.
Una rito kumalat ang video ng umano’y naganap na pre-shading ng mga balota ng isang babae habang ang isa ay pinipirmahan naman ang naturang mga balota.