-- Advertisements --

Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko at mga political parties na magtungo sa mga presinto sa buong bansa sa darating na Mayo 2 hanggang 7.

Ito’y para personal na matunghayan ang final testing at sealing ng mga vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan sa Mayo 9.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, sa mga nabanggit na araw, ang kada presinto ay gagamit ng 10 original ballots para sa May 9 polls.

Masasaksihan dito ang pag-print ng resibo na lalabas sa mga vote counting machines.

Sa mga dadalo sa final testing at sealing ng mga VCM, sinabi ni Garcia na maaaring subukan ang undervoting o overvoting, maling pag-shade sa balota, at kahit na sulatan o punitin ang balota para malaman kung tatanggapin ba ito ng makina.

Kapag wala namang depekto, isi-seal ang mga vote counting machines sa harap mismo ng mga witness.