-- Advertisements --

Nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) sa mga nais magparehistro na mayroon na lamang ilang araw bago matapos ang taong 2020 upang magpatala para sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, maliban ngayong Disyembre 21, puwede pang magpa-rehistro ang publiko bukas Disyembre 22, 23, 28, at 29.

Magtungo lamang aniya ang mga magpaparehistro sa mga Comelec field office at dalhin ang mga kinakailangang requirement.

Kailangan din ang sumunod sa health protocols bilang pag-iingat sa COVID-19.

Dagdag pa ni Jimenez, walang mangyayaring voter registration sa Disyembre 24, 25, 26, 27, 30 at 31.

Ang Disyembre 24 at 31, ay parehong special non-working days; habang ang Dec. 25 at 30 ay kapwa regular holidays.

Sa nabanggit na mga petsa, ang mga opisina ng Comelec sa buong bansa ay walang pasok.

Ayon sa Comelec, Enero 4, 2021 na magbabalik ang operasyon.