CAUAYAN CITY – Hihiling ang Commission on Elections (Comelec) Santiago City sa Isabela ng augmentation force para sa testing and sealing ng mga vote counting machines (VCM).
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Johanna Valejo dela Cruz, election officer ng Comelec Santiago City na darating ano mang araw mula ngayon ang mga vote counting machines.
Kapag dumating aniya ang mga vote counting machines ay magsasagawa na sila ng final testing and sealing ng mga nasabing machines bukod pa sa final briefing ng mga electoral board.
Kinakailangan na rin niyang humingi ng augmentation force sa PNP, Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of Interior and Local Government (DILG) upang ma-secure ang mga election paraphernalia at ang mga taong malapit sa VCM.
Samantala, katuwang ng Comelec sa kanilang pagbabaklas ng somobra sa standard size at hindi nakalagay sa common poster areas na mga campaign materials ng mga kandidato ang mga kasapi ng PNP, AFP, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Bureau of Fire Proteciton (BFP) at Department of Education (DepEd) noong April 4 at 5, 2019.
Matapos anya ang kanilang isinagawang “Operation Baklas” ay sumunod na ang mga kandidato at sila na rin mismo ang nag-alis sa kanilang campaign materials na hindi nakalagay sa common poster areas at mga somobra sa standard size.