Dismayado ang Comelec sa mataas na bilang ng mga naghahain ng reklamo kaugnay ng vote-buying activities magmula nang magsimula ang campaign period para sa 2019 midterm elections.
Sinabi ni Comelec Education and Information director Frances Arabe na marami ang naghahain ng mga reklamo subalit wala naman daw nahahatulan dito.
Iginiit ng opisyal na may ilang lugar sa bansa na binibili ang boto ng mga botante sa halagang P20 lamang.
May ilan naman daw na aabot ng hanggang P15,000 ang binabayad sa mga botante kapalit ang kanilang boto sa nalalapit na halalan.
Gayunman, iginii ni Arabe na todo kayod ang ginagawa ng pulisya para habulin hindi lamang ang mga namimili ng boto kundi maging ang mga nagbibenta rin ng kanilang boto sa mga kandidao.
Kaugnay nito ay nananawagan si Arabe sa mga botatne na bumoto ayon sa konsensya.