-- Advertisements --
Sinimulan na ng Commission on Elections ang pamamahagi ng mga balota na gagamitin sa Barangay at Sannguniang Kabataan elections.
Nasa 6.67 milyon na official ballots ang first batch na nailagay sa mga malalaking container trucks sa kanilang bodega sa Laguna.
Ang mga ito ay patungo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Region 8.
Kasama ng nasabing mga balot ana ilang mga accountable forms gaya ng canvassing forms, election returns at mga indelible ink.
Target nila na makarating sa port of entry ng Zamboanga ang mga ito ng Oktubre 11 at port of Davao ng hanggang Oktubre 15.
Aabot sa kabuuang 92 milyon na mga manual balota at 27,000 automated ballots ang gagamitin sa nalalapit na Barangay at SK elections.