-- Advertisements --
Comelec building 2022 05 26 01 04 03

Sisimulan na ng Commission on elections (comelec) ngayong lunes, hunyo 5, ang pagtatanggap ng aplikasyon para sa gun ban exemption.

Ito ay kaugnay sa nalalapit na barangay at sangguniang kabataan elections (BSKE) sa buwan ng Oktubre.

Ayon sa comelec na ang mga interesadong mag-apply ng gun ban exemptions ay maaring magtungo na lamang sa kanilang opisina.

Pinaalalahanan ng comelec na mahaharap kaukulang kaso ang sinumang mahulian ng baril na walang gun ban exemption.