-- Advertisements --

Sinuspendi ng Commission on Election (COMELEC) ang kanilang voter’s registration sa buong bansa dahil sa banta pa rin ng coronavirus disease 2019.

Sa inilabas na advisory ng Comelec, suspendido ito ngayong araw March 10 hanggang March 31.

Sakop nito ang lahat ng mga voter registration na isinasagawa sa lahat ng mga Comelec officies sa distrito, lungsod, munisipalidad at mga satellite registration activities.

Kasunod din ng Comelec ang mga mamamayan ng ibayong pag-iingat para hindi madapuan ng nasabing virus.