Matagumpay ang kinalabasan ng unang demonstrasyon ng Automated Counting Machine (ACM) mula sa isang remote province.
Ginawa ito ng Commission on Elections (Comelec) para masubukan ang mga bagong makina para sa 2025 midterm elections.
Nagpadala ng mga election returns (ERs) at logs ang mga tauhan ng poll body mula sa mga liblib na isla ng Simunul at Bongao, lalawigan ng Tawi-Tawi, patungo sa Consolidated Canvassing System (CCS) at Servers.
Ang aktibidad ay nakapaloob sa event na pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia at ng mga opisyal ng komisyon para sa Voter Education Seminar na may ACM demo sa Bongao at Simunul.
Parte ito ng ilang paghahanda para sa 2025 National and Local Elections (NLE) at Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE).
Sa panahon ng pilot test transmission, parehong ACM sa Simunul at Bongao ay matagumpay na nagpadala ng ERs at logs sa Simunul CCS (8:51 AM) at Bongao CCS (11:22 AM), pati na rin sa sumusunod na anim (6) na Servers na kasalukuyang naka-assign sa Comelec Main Office, Intramuros, Manila:
• Municipal Board of Canvassers (MBOC)
• Central Server
• Dominant Minority Party
• Dominant Majority Party
• Media Server
• Citizens’ Arm Server #1 (PPCRV)
• Citizens’ Arm Server #2 (NAMFREL)