Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga aplikante para sa voter registration na magdala lamang ng government-issued identification cards.
Mga government ID lamang kasi ang tinatanggap para sa voter registration.
Ang nasabing pagpaparehistro ng botante ay mula Pebrero 12 hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, hindi na tatanggap ng company ID ang poll body bilang patunay ng pagkakakilanlan ng mga gustong magparehistro bilang mga botante.
Ito ay dahil may ilang aplikante na nagpakita ng mga pekeng company ID.
Kabilang sa mga ID na maaaring ipakita ng mga aplikante ay ang national ID; postal ID; mga PWD ID; ID ng mag-aaral o library card; senior citizen’s ID; driver’s license; National Bureau of Investigation clearance, at iba pang government ID o di kaya ay barangay identification o certification na may larawan ng aplikante.