Nagpaplano ang Commission on Elections (Comelec) na maglagay ng isolation polling places para sa mga botante na magpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa araw ng halalan.
Sinabi ni Commissioner Aimee Torrefranca-Neri, ito ay kabilang sa mga hakbang na pinag-iisipan ng Comelec para matiyak na magiging ligtas ang pagsasagawa ng halalan para sa mga botante sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Maliban dito, nakatakda ring lumikha ang Comelec ng medical advisory board para magbigay ng karagdagang suporta sa muling pagbisita sa mga alituntunin na nauugnay sa COVID at bumuo ng napapanahon at mas tumutugon na mga patakaran sa gitna ng halalan.
Makipag-partner din sila sa mga health and medical groups upang mag-set up ng mga medical desk na tutugon sa mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan ng mga botante, partikular ang mga kabilang sa mga vulnerable groups, sa araw ng halalan.
Ayon kay Neri, inaasahan ng poll body ang humigit-kumulang 67.5 milyong tao — o 60% ng 112-milyong populasyon ng bansa — na pupunta sa mga polling precinct upang bumoto sa Mayo 9.