Tinatarget ng Commission on Elections na magpatupad ng ban hinggil sa paggamit ng mga artificial intelligence bilang campaign materials para sa darating na 2025 midterm elections.
Kabilang ito sa mga inirekomenda ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Comelec En Banc ay ang pagbabawal ng paggamit ng deepfake sa pangangampanya ng mga kakandidato sa naturang halalan.
Sa gitna ito ng mga pangamba kaugnay sa banta na maaring idulot ng AI Technology at deepfake na maaari pang makaambag sa misinformation, misrepresentation, at maaari rin na makaapekto sa integridad ng halalan, at kredibilidad ng mga public officials, kandidato, at maging ng mga election management authorities.
Ang mga ito ang dahilan kung bakit nais kumbinsihin ni Garcia ang Commision en Banc na tuluyan nang ipagbawal sa mga pangangampanya ang paggamit ng deepfakes, at AI.
Samantala, kaugnay nito ay nagpahayag naman ng kahandaan ang Department of Information and Communications Technology na umaalalay sa Comelec upang mapanatiling hindi mai-impluwensyahan ng deepfakes ang gaganaping national and local elections Sa susunod na taon.