Target ng Comelec na maiproklama na ang mga nanalong senador at party-list groups sa kakatapos lamang na halalan bago pa man sumapit ang Miyerkules ng linggong ito.
Ayon kay Comelec Dir. Frances Arabe, nagbigay na ng instructions ang Comelec En Banc para sa logistical preparations.
Subalit wala namang petsang sinabi ni Arabe para sa proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa pagka-senador at party-list groups dahil didipende pa rin ito sa progress sa canvassing ng mga boto.
Nabatid na siyam na certificate of canvass (COCs) na lamang ang hindi pa naipoproseso, pero ang bilis ng transmission nito sa National Board of Canvassers (NBOC) ay didipende pa rin sa pace naman ng pagtatally sa mga boto.
Samantala, bukas, Mayo 20, magdaraos ng special elections sa bayan ng Jones sa Isabela matapos na sunugin ang mga vote counting machines doon kamakailan.