-- Advertisements --

Target resolbahin ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng nakabinbing nuisance cases sa katapusan ng Nobiyembre.

Ayon kay Comelec chairman George Garcia, sa oras na makumpleto na ang resolution para sa nakabinbing mga kaso ng nuisance candidates sa Senatorial race, sisimulan na ang pagresolba sa mga petisyon na ideklarang nuisance ang nasa 300 lokal na kandidato para sa 2025 midterm elections.

Una ng idineklara ng poll body ang nasa 47 Senatorial candidates bilang nuisance habang nakatakda namang ilabas ang desisyon para sa natitira pang kaso ng 117 Senatorial aspirants.

Sa oras na maresolba naman ang lahat ng nuisance cases, inaasahan na mailalabas na ang malinis na listahan ng mga kandidato sa Disyembre.