Target ng Commission on Elections ang mas maikling listahan ng party-list groups na lalahok sa May 2025 midterm elections.
Ayon kay Comelec Chairman Goerge Erwin Garcia, nais ng poll body na bawasan ang bilang ng party-list groups na maglalaban sa 130 na lamang simula sa gaganaping halalan sa susunod na taon para ang mga tunay talagang kinatawan ng marginalized at underrepresented ang kasali.
Noong nakalipas na May 2022 elections kasi, nasa kabuuang 177 party-list organizations ang lumahok.
Nais din ng komisyon na iwasan ang mahabang official ballot para sa midterm elections.
Kaugnay nito, magpapatupad ang Comelec ng mas mahigpit na mga panuntunan sa accreditation ng bagong party-list groups.
Sa ngayon ayon kay Garcia mayroon ng nadismiss na 130 petitions ng registration mula sa humigit kumulang 200 na aplikante.
Kung saan 17 pa lamang ang accredited mula sa kabuuang bilang ng mga party-list applicants.