Magkakaroon ng pagakakataon na ipaglaban ng nasa 117 senatorial aspirants na hindi napasama sa partial list, ang kanilang kaso sa Commission on Elections, ayon kay Comelec chairperson Atty. George Erwin Garcia.
Pinahihintulutan kase ng Omnibus Election Code ang Comelec, na kusang magdesisyon o base sa isang verified petition, na tanggihan o kanselahin ang kandidatura ng isang aspirant, o mga tinuturing na “nuisance camdidate” para mapanatili ang integridad o dignidad ng halalan.
Pero sa kabila nito, may pagkakataon pa rin ang mga indibidwal na ito na umapela sa desisyon ng Comelec en banc.
Ayon kay Garcia, layunin ng komisyon na lutasin ang lahat ng petisyon laban sa mga naturang kandidato sa loob lamang ng buwan ng Nobyembre para makagawa pa raw ng final list ng mga kakandidato at matuloy ang printing ng balota bago matapos ang Disyembre.