Target ng Commission on Elections na maregulate ang social media posts ng mga kandidato sa panahon ng kampaniya para sa 2025 midterm elections.
Kaugnay nito, hinimok ni Comelec Chairman George Garcia ang Kongreso na bumalangkas ng batas na magpapahintulot sa poll body para i-regulate ang social media ng mga kandidato.
Ayon pa sa opisyal na sa ngayon maaari lamang makipag-ugnayan ang Comelec sa social media administrators para tanggalin ang isang post na inaabot ng ilang buwan.
Kadalasan din na kanilang binabantayan ang mga ginastos ng mga kandidato sa kanilang social media campaign dahil kapag tumakbo ang isang kandidato sa public office, dapat na limitado ang campaign post.
Base kasi sa Comelec Resolution 10730 o ang Fair Election Act, limitado ang mga election campaign sa telebisyon at radyo sa 120 minuto at 190 minuto para sa mga kandidatong tumatakbo sa national position.
Habang ang mga poster naman ay dapat na limitado lamang sa size na hindi lalagpas sa 2ft by 3ft.