-- Advertisements --

Ipinahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na target ng komisyon na matapos ang pagreresolba ng mga Motion for Reconsideration mula sa mga naitalang nuisance candidates.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nasa 14 na mga nuisance candidates ang nagpasa ng Motion for Reconsideration sa komisyon na kailangan pang iproseso.

Samantala, ginanap na rin ang paglagda ng kontrata sa pagitan ng COMELEC at Pro V&V Inc, isang Alabama based technology.

Ang Pro V&V Inc ang International Certification Entity (ICE) na gagamitin para sa mga Automated Election System (AES) para sa Eleksyon 2025.

Ayon kay COMELEC Chairman Garcia na kapag natapos na ang International Certification sa mga Automated Election System (AES) ay susunod na ang mock elections.

Matatandaan na ang Pro V&V din ang kinuhang International Certification Entity (ICE) noong Eleksyon 2019 at 2022.