-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na ang mga unregistered social media accounts ng mga kandidato ay kanilang itetake-down. Kaugnay nito, inilabas na rin ng tanggapan ang listahan ng mga aprubadong mga social media accounts na maaaring gamitin ng mga kandidato at party-list organizations sa kanilang pangangampanya.

Ayon sa datos ng poll body, Nasa 85 party-list organizations lamang ang naaprubahan mula sa 155 na kabuuang bilang nito. Samantala, 29 na mga senatorial candidates lamang ang aprubado mula sa 66 na kabuuang bilang nito.

Sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na isa sa mga rason kung bakit hindi naaprubahan ang kanilang mga social media accounts ay dahil hindi kumpleto ang kanilang mga pinasang requirements sa tanggapan. Binigyang-diin niya na hindi na nila muling bubuksan ang registration dahil magiging unfair ito sa mga nakapag-comply noong unang deadline.

Samantala, sa pagtetake-down ng mga accounst, bagaman mabilis na nila itong maaaring ipatanggal dahil sa kanilang Task Force KKK sa Halalan at partnership sa mga social media platforms, sinabi ni COMELEC Chairman Garcia na papadalhan pa din muna sila ng notice remove at magiging discretion ng mga kandidato at party-list organizations kung aalisin nila ang mga social media accounts dahil hindi rin naman ito opisyal na magagamit sa kanilang pangangampanya online.