Sisimulang tatangap ang Commission on Elections (COMELEC) ng mga online filing of petitions para sa pagpaparehistro ng party-list organization at political parties.
Ito ay matapos na isailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region at karatig na mga probinsiya.
Sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na inaasahan nila ang pagdagsa ng paghain ng manifestation of intent to participate at petition for registration fo party-list organizations dahil sa nalalapit na ang deadline nito sa Marso 31, 2021.
Kanila rin ikokonsidera ang mga petitions na natanggap sa kanilang email na clerkofthecommissions@comelec.gov.ph ng hanggang ala-singko ng hapon ng Marso 31.
Matapos ang paghain ng online ay dapat isunod na ng mga partido ang pagsusumite ng kanilang mga hard copies sa lalong madaling panahon.
Kasabay din nito ay sinuspendi ng Comelec ang kanilang voters registration sa National Capitla Regioni plus dahi sa implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi pa ni Jimenez na suspendido ito mula Marso 29 hanggang 31.