Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang i-adopt ang hybrid poll system para sa 2025 midterm elections.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, kailangan ng batas para maipatupad ng poll body ang hybrid system at iginiit na tagapagpatupad lamang ng batas ang komisyon.
Sa ilalim ng hybrid system, manual ang pagboto at pagbibilang ng boto sa mga precinct level habang automated ang transmission at canvassing ng mga resulta.
Subalit sa pag-aaral ng Comelec, lumalabas na sa ilalim ng hybrid system, aabutin ng 3 araw para sa pagbibilang pa lamang ng mga boto sa mga presinto na magdudulot ng mga pagkaantala sa halalan.
Ginawa ng poll body chief ang pahayag sa gitna ng panawagan ng koalisyong Alyansa ng Nagkakaisang Mamamayan (ANIM) para sa hybrid elections dahil sa umano’y kawalan ng transparency sa automated system.