-- Advertisements --

Nilinaw ng Commission on Elections na nakahanda sila sakaling ipagpaliban at ilipat ang araw ng Bangsamoro Parliamentary Elections.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia, nagsimula na silang maglatag ng mga paghahanda sakaling matuloy ito at maging isang ganap na enrolled bill.

Kung maaalala, inaprubahan ng Kamara ang Bicameral Conference Committee Report na naglilipat sa araw ng halalan sa naturang rehiyon.

Sa halip na sa Mayo ay ipinapanukala na mailipat ito sa buwan ng Oktubre ngayong taon.

Ayon sa poll body , lahat ng mga indibidwal at mga kinatawan ng partido na naghain ng COC noong nagdaang taon ay mananatiling opisyal na kandidato sa gagawing halalan sa BARMM.