-- Advertisements --
John Rex Laudiangco

Inihayag ng COMELEC na prayoridad din nito ang pag-iingat sa gitna ng social services spending ng administrasyon habang papalapit ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang poll body ay masigasig sa pag-obserba ng mga patakaran upang maiwasan ang political motivations sa kabila ng mabilis nitong pagbigay sa paghiling sa mga ahensya ng pambansa at lokal na pamahalaan.

Ginawa ni Laudiangco ang pahayag matapos bigyan ng exemption ng poll body ang fuel subsidy program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Miyerkules.

Binigyang-diin ni Laudiangco ang mahigpit na mga hakbang ng Comelec upang limitahan ang mga exemption sa pambansa o lokal na pamamahagi ng programa ng pamahalaan.

Mayroong mga nag-a-apply sa barangay ang mamimigay ngunit dahil kailangan na may safeguard, na kung saan hindi kaagad muna inaprubahan ng Comelec.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10944, ipinagbabawal ang paggamit ng public funds para sa mga social services mula Setyembre 15 hanggang Oktubre 30, 2023.

Nauna rito, sinabi ng Comelec na ang pamamahagi o anumang aktibidad na may halaga at kinasasangkutan ng mga grupo ng mga tao, maging ng mga kandidato o tagasuporta ng BSKE, ay maaaring ituring bilang isang uri ng vote buying o vote selling (VBVS).