-- Advertisements --

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi maapektuhan ang kanilang ginagawang paghahanda para sa 2022 elections kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Comelec Director Teopisto Elnas Jr na hindi sila tumitigil sa panawagan sa mga mamamayan na magparehistro para sa halalan.

Sa kasalukuyan kasi ay nasa mahigit 60 milyong Filipinos na ang rehistrado na para sa halalan.

Ang nasabing bilang ay mas mababa pa ng dalawang mlyon sa target ng Comelec.

Dagdag pa ni Elnas na nasa halos 5 milyon na botante ang nagparehistro at karamihan sa mga dito ay mga first-time voters habang mayroong nasa 500,000 ang nagpa-reactivate ng kanilang registration.

Umaabot naman sa mahigit 150,000 na mga botante ang kanilang tinanggal sa listahan matapos ang Election Registration Board (ERB) hearing kung saan ang iba ay namatay na, lumipat at double registration.