-- Advertisements --
Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na protektado ang gaganaping online voting systems ng mga overseas voters.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, na dumaan sa international certification ang lahat ng mga source code review.
Lahat aniya ng mga security ay kanilang inilagay dito.
Inamin nito na mayroong 70,000 na insidente ng nagtangka na i-hack ang kanilang system subalit bigo ang mga ito.
Sinanay nila ang mga tauhan na nakabantay ng 24 oras.
Magugunitang naghain ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) sa Korte Suprema na ipawalang bisa ang resolution ng COMELEC na online voting system dahil sa isyu ng constitutionality at electoral integrity.