-- Advertisements --

Iginiit ni Comelec Commissioner George Garcia na mataas ang quality control na sinusunod ng poll body at ng National Printing Office (NPO) para sa mga balotang gagamitin sa May 9 national at local elections.

Ito ay kahit pa mayroong 106,000 na mga depektibong balota na nakita mula sa 60 million printed ballots.

Isa sa mga quality control na kanilang gagawin ay ang random testing na kanilang gagawin sa mga balota bukas, Marso 24.

Samantala, pagdating naman sa umano’y nangyaring breach sa data ng Comelec, sinabi ni Garcia na wala pang formal report na naisusumite sa kanila ang NBI.

Pero masasabi niya na sa kanila sa Comelec ay walang na-compromise na mga data.

Iginiit ni Garcia na wala ring Comelec employee na involved sa alegasyon na ito.