-- Advertisements --

Nagkasundo sina vaccine czar Carlito Galvez Jr at Commission on Elections (COMELEC) na dapat paghandaan na ng bansa ang nalalapit na 2022 election kahit na mayroong COVID-19 pandemic.

Inihalimbawa ni Galvez ang US kung saan natuloy ang halalan noong Nobyembre 2020 kahit na hindi pa tapos ang krisis dulot ng COVID-19 at maging ang India ay nagsasagawa na rin sila ng election campaign kahit na mayroong dobleng kaso ng COVID-19 ang naitatala.

Tiniyak naman ni COMELEC Spokesperson James Jimenez na tuloy pa rin ang gaganaping halalan.

Sinabi nito na nakasaad sa konstitusyon ang halalan kaya kung mayroong pagbabago na gagawin ay dadaan pa ito sa maraming proseso.

Mayroon din aniyang sapat na panahon rin ang COMELEC na maghanda sa nasabing halalan.

Nauna rito nangagamba ang ilang mga mamamayan na baka hindi matuloy ang halalan dahil sa nararanasang COVID-19 crisis sa bansa.